Ang Buhay sa Haiskul

Alam naman natin sa labing limang tanong sa buhay natin ya nasa paaralan tayo..
At alam naman natin dito magsisimula ang mga pangarap natin.. dito tayo makakakilala ng mga kaibigan at mga tunay na kaibigan.

Sa umpisa palang sasabihin na sayo ang buhay sa haiskul siya ang pinakamasaya at pinakamaganda sa buhay estudyante..lahat ng kalokohan at bisyo dito magsisimula..
Mga kulitan sa loob ng klase,kopyahan,ligawan,prom at marami pang iba..

Naalala ko tuloy mga kaklase ko nun haiskul pa ako. Lahat kami ay magkakabarkada at iisa ang mga gusto namin. Sa loob ng klase nun bininyagan pa namin ng ibang pangalan ang mga kaklase namin..meron grupo ng westlife, spices girls, meron din hagaw agimat girls. At sympre mawawala ba naman ang tatlong musketeers na sina tito, vic at joey..hehehe. pagdating ng exam bida ka at marami kang fans kapag nakapagaral ka sa bahay..ang mga nagreview dapat magpakopya sila..hehehe.pagkatapos ng exam namin diretso kami lahat sa isang bahay para magsaya at uminom ng paborito ng lahat alak. nun panahon ng prom bago kami sumayaw (sensya na nakalimutan ko kung ano pamagat yun)uminom muna kami sa bahay para pampaalis ng kaba.. ang isa kung kaklase papangalanan natin siya sa pangalan jc.lasing na lasing na nagsayaw at wala pa siyang panloob na damit sa kanyang barong, at nakita ng aming guro ito’y galit na galit sa kanyan. At isa’t isa kami inamoy pagkatapos ng sayaw sermon ang inabot naming pero ok lang naman kase kasalanan din namin at ang mahalaga dun ay nag enjoy kami. Sa kabila ng kasiyahan may mga araw na hindi maiiwasan na may nagkakatampuhan.pero ang importante dun ay hindi ito pinapatagal at nagkakabati din agad..kaya pagdating ng graduation day makikita mo lahat ng may bahid na kalungkutan dahil sa apat na taon kami magkakasama sa haiskul magkakahiwalay hiwalay na kami.patungo sa kanyang kanya landas para tuparin ang mga pangarap,pero kahit na hindi na kami magkaklase sa college solid pa rin ang amin samahan hanggang ngayon..parang sa San Miguel beer..hehehe

Alam ko para pareho tayo mga karanasan sa buhay haiskul kung hindi naman halos magkakapareho na din..hehehe

Kaya sa mga kaklase namin hindi na nakakasama sa mgaa gimik at inuman mga tol kmusta na kayo dyan at ano ng balita sa inyo? at para naman sa mga lagi nagkikita tara shot na tayo kina jay..wahahahahah

0 comments:

Post a Comment